• Franco
  • Random
  • Archive
  • RSS
  • Ask
  • Share

Unpolished

Sa mga araw ng kulilim
isang alaalang hatid,
ang iyong nangangapang labi
sa balisa ng unang halik.

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #filipino
  • 1 week ago
  • 2
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

makalangit

hiram sa hangin
hiram lamang sa mga tala
sa lahat ng ito
ay binubuong tadhana
sandaling pigtang-pigta
sa mga kasalanan
umaapaw na mga luha
sa pag-ibig na nakasanayan

asap ng sigarilyo
ang bumabalot sa dilim
landas ay tinago
sa namimighating galimgim
sa daloy ng dugo
umaasa sa tugon ng labi
kahit yakap lang
sa nakaraang isinantabi

    • #poetry
    • #poem
    • #creative writing
    • #tula
    • #filipino
  • 1 month ago
  • 6
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

takipsilim

iniisip
ang kasalukuyan
inaalala
ang nakaraan
inaasam
ang kinabukasan
balat na pigtang-pigta
sa mga sa halip
mga matang nakapikit
naghihintay sa iyong halik
sa taos na pangungulila
nagaabang ng sasagip
sa paos na paghinga
gumigising sa panaginip

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #filipino
    • #creative writing
  • 3 months ago
  • 2
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

sabi nila, lalaya ka sa pagsabi ng totoo
ngunit wala man lang pagtatatuwa
na sa pag layang ito, kapalit ang puso kong
naisahan, ng bugso ng karagatan
nadala, sa ihip ng kawalan
nalinlang, ng dilim ng kalawakan

sa pagbuka ng bibig
at pag-amin ng pag-ibig

ikaw ay nawala, nawalan ng saysay
kinitil ng mga salita na ngayo’y pinagsisisihan
pinipigil ang mga luha na dumadaloy nang tuluyan
pinipiga ang lamig ng kalamnan

    • #creative writing
    • #poem
    • #poetry
    • #spilled ink
    • #tula
    • #filipino
  • 4 months ago
  • 6
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

onting lihis, onting iwas
mga nabigong pagalpas
nangangatwiran
dapat bang balikan
isang nakaraang puno ng pagsuyo
pagmamalabis
tinitiis hanggat kaya pa buhatin
ng langit ang mga bituin
ng kalawakan ang mga sanhi
ng puso ang mga pangako
na lilihis, at iiwas na
bakit bumabalik ka pa?

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #filipino
  • 5 months ago
  • 4
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

sinusumpong sa lamig
sa hindi umaawat na gabi
kulang na ang liwanag
umiikli ang mga araw
hindi ito para sa duwag
na puso,
habol lang ang pagalpas
takot na takot aminin
ang lungkot
na dulot ng himakas
hanggang kailan ka ba
tatakbo mula sa dapit-hapon
ng nakaraang mga ahon
mga sugat at galos na dulot
ng disyembre,
kaya harapin mo
at sabihin sa sarili
kung siya nga ang nararapat
bigkasin ng mga labing
tuyo at nagnanasa
ng init, sinusumpong sa lamig
ng pasko, ng babasaging hangin
nasaan na ang init
alaala na lang ba
pipilitin na lang ba
sa hindi pagsasama

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #filipino
  • 5 months ago
  • 4
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

di mo siya kilala

“di mo siya kilala”
baka nga, tunay nga
na di ko siya kilala
dahil sa iyo
aking nahamon, aking natanong
sarili ko
kung tunay nga
na kilala ko siya
tulad ng pagkakakilala
mo sa kanya
mga araw, mga sandali
nung kami pa
ang magkasama
“di mo siya kilala”
apat na salita
ang bilis mawala na lahat

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #filipino
  • 5 months ago
  • 4
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

Nagsunog na ng baga
Nagsunog na ng atay
Nawalan na ng malay
Ngunit hindi pa rin nagpantay
Ang kabaliwan ko para sa iyo
Ang pagpapakatanga
Kahit kaunting kirot
Wala ka bang nadama?

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #filipino
  • 7 months ago
  • 2
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

wala na

Parang wala na. Parang tapos na. Nalagpasan na. Naubos na. Napagod na.
Ang tagal ko din kaya naghintay. Kahit alam ko wala naman talagang patutunguhan.
Nagabang. Nagbakasakali.
Ang pusong naging aligaga dahil sa iyo, ngayo’y pusong pagal na.
Parang wala na. Natapos na ang pagtampisaw sa ulan.
Naging masaya dahil nabasa. Pero tapos na. Hanggang doon na lang.

Nangatwiran. Umasa. Oo. Higit sa lahat umasa. Nagpakatanga. Nagbulagbulagan.

Kaso wala na. Yung puso’t isip ko, nalipasan na ng gutom, ng pita, ng nasa.

Kahit nandiyan ka pa,
wala na akong nararamdaman na kakaiba.

Nandiyan ka lang. Parang puno. Parang bahay. Parang hangin. Parang kulay.
Nakasanayan na. Di na kapansin-pansin. Naumay na.
Lumagpas na yung pagkakataon, eh.
At kailangan ko na maglakad ulit palayo;
maglakad palapit sa hindi ako kayang palagpasin.

    • #tula
    • #writings
    • #poetry
    • #poem
    • #filipino
  • 7 months ago
  • 9
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+

tres

binilang ko ang
ang mga nunal mo
sa braso,

tatlo.

maliliit
mas maliliit ang pagitan
yari sa matamis na kayumanggi
mga likas na tuldok.

sa gabi ng kasalanan
sa ilaw ng hubad na katotohanan
binbilang niya rin ba ito?

habang ang kanyang mainit na labi
nakapisil sa iyo
alam niya kaya
na ang mga nunal mo
sa braso,

tatlo?

    • #poetry
    • #poem
    • #tula
    • #creative writing
    • #tres
  • 8 months ago
  • 4
  • Comments
  • Permalink
Share

Short URL

TwitterFacebookPinterestGoogle+
Page 1 of 3
← Newer • Older →

About

Avatar Life, love, logic, and the lack thereof in the city. ©

Poetry. Prose. Tula. Stories

Read the Printed Word!
Creative Commons License
  • @francolevispeak on Twitter
  • RSS
  • Random
  • Archive
  • Ask
  • Share
  • Mobile
Effector Theme by Pixel Union